SORRY NI ERWIN OKS SA DSWD PERO…

erwin21

(NI AMIHAN SABILLO)

TINANGGAP na ni Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista ang paghingi ng paumanhin ng brodkaster na si Erwin Tulfo matapos ang pang-aalipusta, pagmumura at pagbanat sa kanya sa programa nito sa radyo.

Pero kaliwat kanan ang inilatag ni Bautista na kondisyon para tuluyan nang tanggapin ang paghingi ng paumanhin ni Tulfo,  tulad ng pagpapalabas nito sa mga pangunahing himpilan ng telebisyon, radyo at dyaryo sa bansa maging sa social media

Kinakailangan ding magbigay ng donasyon ni Tulfo nang hindi bababa sa P300,000 sa iba’t ibang unit ng PNP at AFP kabilang na ang PMA Alumni Association bilang danyos o bayad pinsala sa kanyang pagkatao gayundin sa institusyong kanyang nasaktan.

Kasunod nito, nagpasalamat si Bautista sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan, grupo at mga karaniwang tao na naglaan ng oras at panahon upang siya’y suportahan at nagmalasakit sa kanya kaya’t tatanawin niya itong malaking utang na loob.

131

Related posts

Leave a Comment