SUMADSAD NA CHINESE VESSEL ISA-SALVAGE NG PCG

DUMULOG sa local court ang Philippine Coast Guard (PCG) para humingi ng awtorisasyon para sa salvage operations sa sumadsad na barko sa San Felipe, Zambales.

Ang nasabing barko ay minamando ng pitong Chinese nationals na nakulong noong Mayo dahil sa paglabag sa ilang batas.

Sa tatlong pahinang urgent motion na inihain ng PCG Substation San Felipe sa Municipal Trial Court (MTC) noong Agosto 6, sinabi na nagpatuloy ang presensya ng Hyperline 988 sa Barangay Maloma sa panahon ng bagyo na “hindi maikakaila na panganib sa buhay, ari-arian, at kaligtasan ng mga residente sa komunidad sa baybayin, gayundin sa kapaligiran ng dagat.”

“The visible damage on the vessel is now clearly apparent thereby furthering the risk of environmental disaster and hazard to life, property, and safety of the general public,” saad sa urgent motion ng PCG.

Noong Hulyo 24, nagsampa rin ng hiwalay na reklamo ang PCG sa San Felipe MTC para sa malubhang pagsuway sa ahente ng isang ‘person in authority’, ng kinatawan ng Hyperline at Chinese crew ng barko na pinagbawalan din ng PCG na umalis sa bayan.

Itinakda ng San Felipe MTC ang pagdinig sa Agosto 16 sa reklamo noong Hulyo at sa mosyon para sa pag-alis sa barko sa baybayin ng nasabing munisipalidad.

Nahaharap din ang Chinese crew members sa hiwalay na kaso ng paglabag sa immigration laws na isinampa ng PCG sa Zambales Provincial Prosecutor’s Office noong Mayo 24.

Ang pitong tripulante na nananatili sa isang lokal na resort at salit-salit na nagbabantay sa barko, ay inakusahan ng paglabag sa Philippine Immigration Law sa kanilang hindi awtorisadong pagpasok, at ng kanilang barkong Sierra Leone na nakarehistro sa tubig ng San Felipe noong Mayo 14; dahil sa pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan bilang mga dayuhang mamamayan, at para sa pagtataas lamang ng watawat ng Pilipinas kahit na ito ay isang banyagang rehistradong barko; at para sa kanilang “sinasadyang pagwawalang-bahala sa mga inilabas na sa radio challenge nang walang makatuwirang dahilan.”

Hindi pa nagtatakda ang prosecutor’s office ng pagdinig para sa nasabing reklamo. (JOCELYN DOMENDEN)

66

Related posts

Leave a Comment