SUNOG SA BOC, MAY PINAGTATAKPAN?

bocfire1

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI masisisi ng dalawang mambabatas sa Kamara na pagdudahan ang naganap na sunog sa gusali ng Bureau of Custom (BOC) sa Port Area, Manila noong Biyernes ng gabi dahil notoryus umano ang nasabing kagawaran sa katiwalian.

“Given the notoriety of the Bureau of Customs for graft and corruption, it is understandable for the public to be skeptical about the cause of the fire that has razed the offices of the Bureau of Customs at the Manila Bay Port Area,” ani Misamis Oriental Rep. Juliette Uy.

Ito ang dahilan kaya umapela si Uy kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na atasan ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magtalaga ng pinakamagaling na imbestigador na mag-iimbestiga sa nasabing sunog.

Base sa mga report, mga importante dokumento ang naabo umano sa nasabing sunog na umabot ng 7 oras.

“Their investigation must be meticulous, thorough, and scientific,” ani Uy para malam kung sinadya o hindi ang nasabing sunog.

Ganito rin ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, lalo na’t patuloy ang imbestigasyon umano sa katiwalian sa BOC , lalo na kaso ng tone-toneladang shabu na dumating sa bansa sa gitna ng giyera kontra ilegal ng droga ng Duterte administration.

“Hindi ko masisisi ang mga tao na magduda na baka magkaroon na ng whitewash sa imbestigasyon sa mga corruption sa BOC lalo na dun sa shabu smuggling kung yung mga dokumento tungkol dyan ay kasama sa nasunog,” ani Zarate.

Magugunita na noong 2017 ay umaabot sa P6.4 bilyon na shabu ang nakalusot sa BOC habang noong nakaraang taon ay P11 Billion naman ang halaga ng droga na dumating at isinilid sa mga magnetic lifters.

Naisampa  na ang kaso sa Korte laban sa ilang indibiduwal sa dalawang nabanggit na shabu smuggling na naganap sa gitna ng madugong giyera ni Duterte sa ilegal na droga.

Tulad ni Uy, nais ni Zarate na maging transparent ang imbestigasyon sa nasabing sunog at ilantad sa publiko kung ano-anong mga importanteng dokumento ang naaabo.

 

 

508

Related posts

Leave a Comment