TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG PEBRERO

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES)

PANIBAGONG pasanin na naman sa mga consumers dahil magpapatupad na naman ang Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag na 57 sentimo kada kilowatt hour (kwh) sa kanilang singil ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Meralco, nangangahulugan ito na ang mga tahanang kumokonsumo

ng 200 kwh kada buwan ay makakaranas ng dagdag na P114 na bayarin sa kanilang bill, habang P171 naman ang dagdag sa konsumo ng mga household na nakakagamit ng 300 kwh kada buwan.

Kung nakakagamit naman ng 400 kwh kada buwan ang isang tahanan ay magkakaroon sila ng P228 dagdag sa kanilang February bill.

Para naman sa mga kumokonsumo ng 500 kwh kada buwan ay magkakaroon sila ng P285 na dagdag sa kanilang bayarin sa kuryente.

Ipinaliwanag naman ng Meralco na tumaas ng halos piso ang generation charge ngunit dahil bumaba naman ang ilang charges kaya’t 57 centavos/kwh lang ang magiging pagtaas ng singil.

134

Related posts

Leave a Comment