‘TAHO GIRL’ SISIPAIN NA PALABAS NG PINAS

taho12

DIRINGGIN na ng Board of Commissioners ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case na isinampa laban sa Chinese national na nansaboy ng taho sa isang pulis na nakadestino sa MRT 3 Boni Station.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, ipina-prayoridad umano nila ang kaso at nais nilang mapaalis agad sa bansa si Zhang Jiale, 23, isang fashion design student sa Makati.

Una rito siniguro ng BI na dadaan sa tamang proseso ang deportation case laban sa Chinese national.

Nakitaan umano ng kanilang legal team ng probable cause ang ginawa ng banyaga para sampahan ng deportation case at malakas din ang ebidensiya laban sa Chinese national lalo na’t nakuhanan ang pangyayari ng larawan at kita rin sa CCTV footage.

Patuloy na nakadetine si Zhang sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

4

Related posts

Leave a Comment