TANDEM NA MAG-UTOL, ARESTADO

ARMADO ng arrest warrant, dinampot ng mga awtoridad ang magkapatid na sinasabing notoryus na “riding in tandem” na nagsasagawa ng kanilang ilegal na aktibidad sa erya ng Mandaluyong City at Pandacan, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga awtoridad ang mga arestado na sina John Paul Balajada y Gregory, 25-anyos, tricycle driver, ng #4012 Singkamas St., Kalayaan Avenue, Makati City, at Jonathan, 27-anyos, delivery rider, ng nasabi ring lugar.

Batay sa report ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10, bandang alas-6:00 ng gabi noong Lunes nang kapwa arestuhin ang mag-utol sa kanilang bahay.

Inaresto nina P/SSgt. Adrian Secapuri, P/Cpl. Mark Anthony Buan, P/Cpl. Fieljohn Igot, at P/Cpl. Jelson Castillo ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Karen Maramba-Firme ng Metropolitan Trial Court Branch 60 sa Mandaluyong City.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Mandaluyong City Ordinance No. 595 (Anti-Motorcycle riding in tandem). (RENE CRISOSTOMO)

80

Related posts

Leave a Comment