TANSINGCO PINASISIBAK SA IMMIGRATION

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakasibak sa pwesto ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Sa isang text message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na “His (Tansingco) dismissal has already been approved by the President.”

Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagkasundo sila ni Pangulong Marcos na sibakin at palitan sa puwesto si Tansingco.

“Yes, yes, okay na ‘yun. Nagkasundo na kami ng Pangulo,” ang sinabi ni Remulla.

“Papalitan siya, papalitan siya. If I were him, I’ll just resign already. Mag-resign na lang siya,” aniya pa rin.

Inamin ni Remulla na inirekomenda niya na palitan si Tansingco dahil hindi siya ‘satisfied’ sa pagganap nito sa tungkulin.

Bukod pa sa maraming problema ang immigration na hanggang ngayon ay hindi nareresolba.

Una nang ibinunyag ni Remulla ang umano’y kalakaran sa pag-iisyu ng BI ng visa sa mga korporasyon para magdala ng illegal gambling workers sa bansa.

Wala pang tugon si Tansingco sa mga panibagong alegasyon ni Remulla.

Samantala, naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission na walang ebidensya na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng BI at ni Guo para makatakas ito ng bansa. (CHRISTIAN DALE/JULIET PACOT)

49

Related posts

Leave a Comment