INAPRUBAHAN na ng Senado sa third and final reading ang proposed Tatak Pinoy Strategy Act.
Sa botong 23-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill 2426 o ang panukalang naglalayong itaas ang global competitiveness ng mga produkto ng pilipinas, lalo na ang mga gawa ng maliliit na negosyo.
Nakasaad sa panukala na bibigyang prayoridad sa government procurement ang mga domestic products.
Sakaling maisabatas, imamandato ang pagbuo ng konseho na siyang mangangasiwa sa mga inisyatibo ng gobyerno na tulungan ang mga lokal na negosyo para mabawasan ang pag-asa ng pilipinas sa mga dayuhang produkto.
Ang konseho ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at magiging co-chairman ang mga kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) habang bahagi rin nito ang pribadong sektor.
Una nang sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na inaasahang makapagdudulot ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino ang Tatak Pinoy bill.
(Dang Samson-Garcia)
147