TAUHAN NG BFP NAGLINIS SA MANILA BAY

bf16

(PHOTO BY NORMAN ARAGA)

MGA bumbero naman ang lumahok ngayong Linggo sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Linggo ng umaga ay umaabot sa 175 bombero ang naglinis ng makasaysayang bay. Gamit ang mga pala, binunot ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Metro Manila ang mga dahon at basurang nakabara sa drainage ng look na sakop ng Pasay.

Tone-toneladang basura na ang nahakot ng mga government workers at volunteers mula nang magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nitong Enero 27.

Nagsimula nang bumuti ang kalidad ng tubig sa lugar pero hindi pa rin ito ligtas upang pagpaliguan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Maaaring abutin ng ilang taon at P47 bilyon ang paglilinis ng Manila Bay, sabi ng ilang eksperto.

Nilagyan din ng DENR ng pansamantalang bakod ang baybayin ng Manila Bay upang maiwasang maligo ng publiko. Gayunman, tinanggal ito ng mga pasaway at hindi napigilang maligo sa dagat.

Nagbabala na rin ang Department of Health (DoH) na hindi pa maaaring paliguan ang dagat dahil sa taas ng antas ng coliform na nakita sa tubig nito na lubang delikado sa kalusugan.

 

 

151

Related posts

Leave a Comment