TAUHAN NG PNP-SAF POSITIBO SA DROGA

ISANG kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force ang nahaharap sa kasong administratibo matapos na dalawang beses itong magpositibo sa isinagawang drug test sa kanilang hanay.

Sa ibinahaging ulat ng PNP, tuluyan na nilang sinibak sa puwesto ang isang miyembro ng PNP-SAF nang magpositibo ito sa paggamit ng ilegal na droga.

Ito matapos ang isinagawang drug test sa 93 tauhan ng Special Action Force.

Ayon kay PNP-SAF Director Police Brig. Gen. Mark Pespes, may nakarating na intelligence report sa kanyang tanggapan na may elemento ng PNP-SAF ang positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nabatid na tanging isang pulis lamang na may ranggong patrolman ang nagpositibo mula sa 93 kagawad ng police elite unit na sumalang sa initial drug test noong nakalipas na linggo at muling itong nagpositibo matapos ang confirmatory test.

Pansamantalang inilipat muna ang naturang patrolman sa Holding and Accounting Unit ng SAF habang mahaharap ito sa mga kasong kriminal at administratibo. (JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment