TEACHER, NAGNAKAW NG LAPTOP KALABOSO

Arestado ang isang Senior High School Teacher makaraang ireklamo ng kanyang 2 co-teacher na ninakawan umano nito sa ng laptop sa loob ng faculty room sa isang eskuwelahan sa Valenzuela City.

Si Francisco Lucaban y Castillo, 55-anyos, Senior High School Teacher, tubong Catarman, Northern, Samar, at kasalukuyang naninirahan sa 46 Asuncion St., Morning Breeze Subdivision, Caloocan City ay nahaharap sa kasong 2 counts of Theft at falsification of document.

Naaresto ang suspek makaraang agad na makahingi ng tulong sa pulisya ang mga biktimang sina Marwin Tatoy y Alcoy, 25-anyos at Patricia Maria Gajes y Ty, 31-anyos, pawang mga teacher ng Karuhatan National High School.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng faculty room kung saan nakalagay umano sa kani-kanilang mga locker ang mga laptop ng mga biktima na nagkakahalaga ng 47,000 pesos.

Ayon sa nagreklamo ng mga guro, dakong 9:00 ng umaga nang madiskubre nila ang pagkawala ng kanilang mga kagamitan kung kayat agad umanong humingi ng tulong sa security guard ng paaralan na siyang tumawag sa himpilan ng pulisya.

Nabatid na tanging ang suspek lamang ang nakitang nanggaling sa nasabing silid kung kayat agad na hinabol ito ng mga nagrespondeng pulis na noon ay papaalis na.

Nabawi mula rito ang nasabing mga gadget at kinakitaan din ito ng ibat-ibang ID na kung saan matapos maiberipika ay natuklasang peke ang PRC at School Division Office IDs nito.

5

Related posts

Leave a Comment