(NI JESSE KABEL/PHOTO BY KIER CRUZ)
BIBINGGO na sa Department of Interiors and Local Government (DILG) ang mga barangay chairman na sangkot at protektor ng mga trucks na iligal na pumaparada sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Ito ay makaraang ibulgar ni Mayor Isko Moreno ang modus operandi ng mga barangay chairman na naniningil ng P1,000 kada araw kada truck na pumaparada sa kanilang mga nasasakupan.
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, tahasang tinawag ni Moreno ang atensiyon ng mga barangay chairman na tumatanggap ng pera sa trucking companies.
Kabilang sa pinasadahan ni Moreno si Brgy. chair Bautista na nagpapaparada sa pagbaba ng Delpan bridge, chair Diana na nagpaparada sa may Baseco chair Lagamayo, sa Binondo; chairMacasu at mga chairman sa R-10,Tondo.
Magugunitang nagbabala ang DILG sa mga barangay chair na may pananagutan sila sa mga obstruction sa lansangan, nagkalat na basura sa kalye, mga nagtatapon ng basura sa ilog, estero, at Manila Bay.
Nagbabala si Moreno sa mga nabanggit na barangay chair na huwag nilang subukan ang gobyerno.
“Panawagan, lahat ng trak sa Valderama, Chairman Bautista, itigil n’yo na ang illegal parking ng trak, sa pagbaba ng Delpan bridge. I’m calling your attention, tutal nakinabang na kayo ng mahabang panahon, hindi naman masama, i-clear n’yo yung pagbaba ng Delpan bridge. Chairman Diana ng Baseco, tigilan n’yo na pagpaparada bago pag-akyat ng Delpan bridge, barangay ng Baseco,” ayon kay Moreno.
“Lahat ng Barangay Chairman ng R-10, sinabi ko na sa inyo, nagpapaalala lang talaga, ‘wag n’yo na antabayanan ang July 1 at July 2. When I said poposasan kayo, poposasan ko talaga kayo kapag involved kayo sa kotong, ilegal parking sa kalye. Alam ko na alam ninyo na totoo yung sinasabi ko. This is a fair warning. Don’t push me to the wall, iimplement namin ang batas. Para sa kaayusan po ito ng lungsod ng Maynila na gusto ng taumbayan,” dagdag pa ni Moreno.
Hindi na umano puwede sa kanyang administrasyon ang P1,000 kada araw na parking fee sa kada truck.
Kasabay nito, ipinagbawal na rin ni Moreno ang towing sa mga truck driver, tricycle driver, sidecar boy, dahil may nakita siyang parte ng pag-aabuso sa gobyerno.
Binigyan din ng apat na araw na ultimatum ni Moreno ang mga may-ari ng truck , mga pumaparada at bumabalagbag sa Paco Park dahil iniiwan ang 40 footer na container pero inaalis ang ulo.
132