TRABAHO NG KAMARA APRUBADO NG PUBLIKO Sa 16% pagtaas sa performance rating ni Speaker Romualdez

ANG malaking pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.

“Ako po ay nagpapasalamat una sa Poong Maykapal dahil sa latest Social Weather Stations (SWS) survey, na nagsasabing tumaas po ang kumpiyansa ng publiko sa ating ginagawa bilang Speaker ng Kongreso,” ani Speaker Romualdez.

“Nariyan din po ang taos-pusong pasasalamat ko sa aking mga kasamahan sa Kongreso kung hindi sa kanila, marahil marami pa tayong mga pending bills na nakatiwangwang lang dyan,” ayon sa kinatawan ng Tacloban City.

“At syempre ang taumbayan na nagbigay sa atin ng mataas na marka sa ating performance…maraming, maraming salamat po,” aniya.

“Ang 16-point increase sa ating net satisfaction rating, na ngayon ay nasa +29 na, ay testamento din sa dedikasyon ng aking mga kasamahan sa Kongreso sa paggawa ng kanilang tungkulin bilang mambabatas,” ani Romualdez.

“Ang lahat ng ito ay repleksyon hindi lang ng ating pamumuno kundi ang seryosong paggawa at pagbalangkas ng mga batas para sa ikabubuti ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya.

“Mula sa economic reforms hanggang sa social justice initiatives, ang trabaho ng kamara ay naging susi sa mga progreso na nararamdaman ng mga kababayan natin,” saad pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Aniya, ang agarang pagpasa ng Kongreso ng priority bills ng Pangulong Marcos para sa pag-ahon ng bansa sa nakalipas na Covid ay isa rin marahil sa nakikita o nararamdaman ng taumbayan.

Nangako si Speaker Romualdez na patuloy na magtatrabaho upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“Dahil po sa inyong tiwala sa akin bilang Speaker of the House, hihigitan ko pa po at ng aking mga kasamahan ang aming ginagawa ngayon para lalo pang maramdaman ng tao ang ginagawa ng kanilang pamahalaan,” pahabol pa ni Speaker Romualdez.

54

Related posts

Leave a Comment