TRABAHO SA GOBYERNO INIALOK SA NEWLY GRADS

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga bagong graduate na nais magtrabaho sa gobyerno na aplayan ang mga trabahong inaalok ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay CSC chairman Karlo Nograles, walang ibang dapat gawin ang mga bagong graduates kundi bisitahin ang CSC Job Portal na matatagpuan sa website ng ahensya para makita ang mga trabahong maaari nilang aplayan sa public sector.

“Patuloy ang pagdami ng mga oportunidad sa trabaho sa gobyerno dahil laging may pangangailangan para sa mga mahuhusay at tapat na kawani na magbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko,” ani Nograles.

“Ang CSC Job Portal ay isang madaling paraan upang makita ang mga bakanteng posisyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 200022, itinatag ang Job Portal kung saan inilalagay ng ibang ahensya ng gobyerno ang mga bakanteng posisyon na maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho.

Hindi lamang ang mga national government agencies ang inoobliga na ipublish ang bakanteng posisyon sa nasabing Job Portal ng CSC kundi maging ang local government units (LGUs) at state universities and colleges (SUCs).

“Aside from the position title and place of assignment, the job postings also indicate the salary or job grade; the qualification standards that need to be met by the applicant, such as eligibility, education, training, work experience, and competency; the documents to be submitted; and instructions on how to apply,” ayon pa kay Nograles.

Pagkakataon na aniya ito ng mga bagong college graduates na nais magtrabaho sa gobyerno at magsilbi sa taumbayan.

Tinatayang aabot sa kalahating milyon ang magtatapos sa kolehiyo ngayong taon ay maidaragdag sa dalawang milyong bilang ng mga Pilipino na naghahanap ng trabaho.

“The government is not only the biggest employer nationally or locally, it also provides the opportunity for Filipinos to attain security of tenure. We encourage qualified Filipinos, including our fresh graduates, job shifters, and civil service eligibles to join the civil service and contribute to our nation’s development,” ayon pa kay Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

40

Related posts

Leave a Comment