TRAFFIC ENFORCER INUPAKAN NG JOYRIDE RIDER

NAHAHARAP sa kasong paglabag ng Article 148 ng Revised Penal Code (Direct Assault), ang isang 41-anyos na Joyride rider nang bugbugin umano ang isang 56-anyos na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) noong Huwebes ng madaling araw sa Asuncion St., malapit sa M. D. Santos Street, Barangay 270, Binondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang suspek na si Benigno Orbeta, residente ng Tondo, Manila.

Bugbog-sarado naman umano ang biktima nito na si Elmer Matuguinas, MMDA deputized enforcer ng MTPB, at residente ng Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Ryan DL Fortich, bandang bandang alas-5:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Habang nagmamando umano ng trapiko ang biktima nang makasagutan nito ang suspek.

Hanggang sa bumaba umano ang suspek mula sa kanyang motorsiklo at binugbog ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

74

Related posts

Leave a Comment