TRAFFIC ENFORCER NATAGPUANG PATAY SA VAN

PATAY na nang matagpuan ang isang MMDA traffic enforcer sa loob ng isang sasakyan sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza Street, Sampaloc Manila nitong Biyernes ng umaga

Kinilala ang biktimang si Redentor Galura, tinatayang 50 hanggang 60- anyos at residente ng Tondo, Manila.

Ayon sa salaysay ng isang Ricky Cureg, isang MMDA traffic Enforcer, bandang alas-8:45 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng puting Hyudai van.

Agad namang nagresponde sina Police Corporal Subido at Patrolman Sumer para imbestigahan ang insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

29

Related posts

Leave a Comment