(NI BERNARD TAGUINOD)
NAIS ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maresolba ang tumitinding problema ng trapiko sa Edsa kaya gagawa ang mga ito ng batas para pag-isahin na lamang ang 200 prangkisa ng mga pampasaherong bus na namamasada sa nasabing highway.
Ito nabatid kay House transportation committee chairman Edgar Sarmiento ng Samar, matapos aniyang atasan ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang komite na gumawa ng batas na reresolba sa nasabing problema sa loob ng isang taon.
“Speaker Cayetano wants our traffic problem in EDSA to be solved within one year. EDSA’s traffic problem is causing too much economic losses for the government and for our people on a daily basis,” ani Sarmiento.
Pangunahin sa nakikita ng komite na dahilan ng lumalalang problema sa trapiko sa Edsa ay ang 3,000 hanggang 4,000 city buses na nag-ooperate sa ilalim ng 200 prangkisa, na naglalabanan sa pasahero kaya lumalala ang problema.
“These buses compete with each other creating chaos. Overtaking, overspeeding, overstaying and all other the road inefficiencies because of this mob rule. The “kanya-kanya” system of these city bus operators, makes it impossible for the government to create a centralized and synchronized dispatching system,” ani Sarmiento.
Dahil dito, nais nang pag-isahin na lang ang mga prangkisang ito upang hindi na kailangang mag-agawan ang mga driver o kaya tumambay ng matagal para maghintay ng pasahero na nagiging dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko.
“The drivers still currently run on boundary basis. If they will be consolidated, we can ensure drivers are salaried, then we can be assured of better service. Puno o hindi, tatakbo. No need to overload buses. No need to overstay in bus stops para punuin ang bus. They lack drivers now because of stiff competition,” ayon pa sa mambabatas.
“Under single super franchise comprising of existing franchises, it is also cost- inefficient for them (bus operators) to have fleet maintenance systems. Having that big of a franchise will enable operators to get big discount purchases on bus units and even fuel,” dagdag pa nito.
Kabilang din umano gagawin ay imordenisa ang ang pagkolekta ng pasahe dahil ang mano-manong pagkolekta at pagsukli ay isa umano sa mga nagpapadelay sa mga bus sa mga loading at unloading zones.
289