TRASLACION TUMAGAL LANG NG 16-ORAS

ISKO-TRASLACION

RECORD breaking para kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Traslacion 2020.

Ito ay dahil inabot lang ng 16 oras at 26 minuto ang prusisyon ng poong Itim na Nazareno.

Nagsimula bandang alas-4:15 ng madaling araw nitong Huwebes ang prusisyon mula sa Quirino Grandstand at naipasok ang andas sa simbahan ng Quiapo dakong alas-8:45 ng gabi.

“Taus-puso po akong nagpapasalamat sa milyun-milyong deboto, sa Minor Basilica of the Black Nazarene, sa mga vendor, sa kapulisan, at sa lahat ng city at national government agencies na nakiisa para maging matagumpay ang prusisyong ito,” ayon sa alkalde.

Sa kabila ng ilang insidente nang pagkakaroon ng girian ng mga pulis at ilang deboto, naging mapayapa ang Traslacion sa pangkalahatan.

Tinataya na umabot sa 3.3 milyong deboto ang lumahok sa Traslacion 2020, ayon sa datos.

Banggit pa ng alkalde, noong isang taon, umabot sa 21-oras ang Traslacion; noong 2018 at 2017 ay umabot ng 22 oras; habang noong 2016 ay 20-oras at 2015, 19-oras. (RENE CRISOSTOMO)

105

Related posts

Leave a Comment