TRIKE DRIVER BINARIL SA BASECO

NAMATAY noon din ang isang tricycle driver makaraang baunan ng bala sa ulo sa Block 7, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si alyas “Brandon”, nasa hustong gulang at nanunuluyan sa Quiapo, Manila.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakasuot ng ng itim na jacket, t-shirt, pantalon at cap.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, may “person of interest” na sila sa krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa saksing si Samuel Enero, isang barangay tanod, bandang alas-4:50 ng madaling araw nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril.

Pagkaraan ay nakita niyang nakahandusay ang biktima sa tabi ng bangketa kung saan ito nakatambay. (RENE CRISOSTOMO)

52

Related posts

Leave a Comment