TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam22

(NI KIKO CUETO)

PATULOY ang pagbagsak ng lebel ng tubig sa mga pinagkukuhanan ng mga water concessionaires sa Metro Manila.

Ang Angat Dam, pangunahing pinagkukunan ng Manila Water at Maynilad, ay muling nabawasan ng supply matapos bumaba ang lebel nito.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, naitala ang water level sa Angat dam sa 186.77 meters. Mas mababa ito ng 0.08 meters kumpara noong Linggo, October 20, na nasa 186.85 meters.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na nakapagtala ng 77.60 meters, mula sa 77.67 meters noong Linggo. Nabawasan ito ng 0.07 meters.

Nauna nang naghayag ang Manila Water at Maynilad sa kanilang mga customer na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mabilis na bumababa ang water level ng dam.

Sinabi rin ng water concessionaires na napipilitan silang magpatupad ng rotating water service interruptions dahil sa nababawasang water supply.

 

324

Related posts

Leave a Comment