TULAK ARESTADO SA DROGA, ARMAS

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu, granada at baril sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, station commander, ang suspek si alyas “Boss”, 30-anyos, binata, ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng SDEU, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang matimbog ang suspek sa nabanggit na lugar at nakumpiskahan ng

105 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P714,000 ang street value,

isang 9MM kalibreng baril, granada at isang magazine ng kalibre 9MM. (RENE CRISOSTOMO)

33

Related posts

Leave a Comment