TULAK ITINUMBA SA LOOB NG BAHAY  

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 43-anyos na tricycle driver na hinihinalang drug puhser makaraang barilin sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Gapas Jr., binata ng #2069 Daang Bakal sakop ng Brgy.155 sa Tondo.

Ayon sa ulat, kitang-kita sa CCTV ng Barangay ang gunman na nakasuot ng itim na jacket, facemask at bull cap.

Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 6:50 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa tabi ng riles ng tren sa Brgy.155.

Samantala, sinabi ni Brgy. Chairman Zaldy Bernabe, si Gapas ay  kabilang sa drug watchlist sa kanilang lugar. (RENE CRISOSTOMO)

98

Related posts

Leave a Comment