TULAK, KASABWAT TIMBOG SA BUY-BUST

MAKARAAN ang surveillance operation, nahulog sa kamay ng batas isang drug suspect na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, at kasabwat nito sa buy-bust operation sa Parola Compound, Binondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Joaquin Nacional y Valera, 26, ng Gate 46, Area C, Parola Compound, Brgy. 275 sakop ng Binondo.

Samantala, timbog din ang umano’y kasabwat nitong si Jerry Boy Dosal, 19, binata, ng Gate 54, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, bumili ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer at makaraan ang transaksyon ay inaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng ilegal na droga na tinatayang P190,000 ang halaga.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment