TULAK TIKLO SA P.2M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Michael Tagoto, 43, ng #78 Luna St., Brgy. Bangkulasi sa nabanggit na lungsod.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon kontra sa suspek sa Luna St., Brgy. Bangkulasi.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakaiskor ng droga kay Tagoto na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang walo pang plastic sachets na naglalaman ng nasa 25.2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P171,360 ang halaga. (ALAIN AJERO)

66

Related posts

Leave a Comment