Tulong ng grupo ni Kuya Emil umarangkada BRGY. 173 DUMAGUNDONG SA LAKAS NG SUPORTA SA TEAM PAGBANGON

TILA dininig na ang panalangin ng mga residente ng Hillcrest Village at Sikatuna sa Brgy. 173, North Caloocan na maiahon ang kanilang lugar at muling mabigyang pag-asa sa pagdating ng tulong ng TEAM PAGBANGON.

Dahil dito, dumagsa ang mahigit 400 residente ng naturang lugar para suportahan ang TEAM PAGBANGON na pinamumunuan ni Emilio “Kuya Emil” Mabalot nang ihatid ng mga ito noong Biyernes (Agosto 18) ang mga handog na kagamitan na kinapapalooban ng bags, T-shirts, 5 lamesa, at two-way radio communication.

Ginanap ang turnover sa covered court ng United Hillcrest Village Homeowners Association Sports Center sa Hillcrest Village.

Ang mga kagamitan ay para sa mga mag-aaral, senior citizens, PWD, grupo ng mananampalataya o simbahan, zumba group, at mga miyembro ng TODA na residente ng Hillcrest Village at Sikatuna.

Emosyonal naman ang 62-anyos na residenteng si Lourdes Dela Cruz na nagpakita ng suporta sa TEAM PAGBANGON.

“Naniniwala kami na babangon ang Brgy. 173 sa pamamagitan ni Kuya Emil, ‘LUMULUBOG NA KAMI AT ANG SASAGIP SA AMIN’ ay ang TEAM PAGBANGON,” ani Ginang Lourdes.

“Ang aking mensahe sa aming mga kabarangay ay magsama-sama po tayo at suportahan ang TEAM PAGBANGON para sa ikabubuti ng ating barangay,” pakiusap pa ni Ginang Lourdes sa mga kalugar sa Brgy. 173.

Malaki rin ang paniniwala ni Agnes Mataverde, 54-anyos, na wala silang ibang pag-asa para bumangon ang kanilang barangay kundi sa pamamagitan ng TEAM PAGBANGON ni Kuya Emil.
Aniya, kinakailangan nang mabago ang pamunuan ng kanilang barangay kaya dapat ‘wag magpadala sa mga sabi-sabi at maging matalino ang kanilang mga kabarangay sa pagpili ng lider o grupo na pagkakatiwalaan.

Sinabi naman ni Carmelita Borbon, senior citizen na nagsilbing emcee sa okasyon, nagboluntaryo siya na maging bahagi ng grupo dahil naniniwala siya na posible ang pagbabago sa pamamagitan ni Kuya Emil.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON news team kay Kuya Emil, sinabi nito na hindi nila inaasahan na dadagsain ng daan-daang taga-Hillcrest Village at Sikatuna ang kanilang turnover ceremony.

Lumampas aniya sa kanilang inaasahan ang bilang ng mga dumalo na kinabibilangan ng kabataan, senior citizens, zumba group, PWD at mga miyembro ng TODA.

Tiniyak naman ni Kuya Emil na pauna pa lamang ang nasabing pamamahagi dahil masusundan ito sa mga lugar ng Selerina, Sta. Cruz, at Sitio Sto. Nino.

Ayon pa kay Kuya Emil, kabilang sa kanyang mga adhikain ang masiguyo ang pagkakaroon ng peace and order, delivery of services, sports and education sa Barangay 173. Binigyang diin din niya ang paglaban sa mga katiwalian at korupsyon.

Anya, napag-iiwanan na sila ng kanilang kapitbahay na barangay kaya kinakailangan nang magkaroon ng pagbabago upang makabangon ang Barangay 173.

Ang TEAM PAGBANGON ni Kuya Emil ay binubuo ng mga kagawad na sina Larry Bojangin, Beverly Ebro, Edwin Dizon, Ronnie Layugan, Nestor Norella, Wendell Solomon Sr., at Letecia Zimmermann.

Kasama rin ang Sangguniang Kabataan (SK) TEAM PAGBANGON si Jaecee Lopez bilang Sk Chairperson, kagawad na sina Judy Mea Anggot, Josephine Nacor, Joan Montero, Jeralyn Erejer, Marlon Vendivel at Sharmaine Candelaria.

(JOEL O. AMONGO)

252

Related posts

Leave a Comment