SA unang araw ng trabaho ngayong Oktubre, bumisita si Senadora Imee R. Marcos sa San Juan City para magbigay ng financial assistance sa isang libo at limang daang (1,500) miyembro ng TODA.
Kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ang senador ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na tig-P3,000 tulong pinansyal sa mga kasapi ng TODA.
Kasunod nito, nagtungo si Marcos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City para magbigay rin ng financial assistance sa dalawang libong estudyante. Sampung milyong halaga ng ayuda ang ibinigay para sa mga estudyante ng Mandaluyong City.
Huling pinuntahan ng senador ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig sa Pasig City para mag-abot din ng tulong pinansyal dito. Dalawang libong (2,000) estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng ₱5,000 cash mula sa programang AICS ng ahensya ng DSWD.
Sa kabuuan, limang libo at limang daang (5,500) benepisyaryo ang nabigyan ng ayuda mula sa pakikipagtulungan ni Senadora Imee at ng DSWD ngayong Lunes, Oktubre 2.
(DANNY BACOLOD)
