TURISMO VS ‘TERORISMO’ SA HALALAN

SINUSUPORTAHAN ng Turismo Isulong Mo Partylist ang panawagan ni Pangulong Duterte sa sambayanan na hadlangan ang anomang tangkang terorismo o panggugulo sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng TURISMO, maging mapagbantay tayong lahat at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpoprotekta sa balota at pagdaraos ng malinis, matapat at parehas na botohan partikular na sa kanayunan.

Si Teo na dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay humiling na sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang “intelligence effort” para matukoy ang balak ng sinomang grupo na maghasik ng lagim sa darating na Mayo 9.

Sinabi naman ng dating alkalde ng San Juan, Abra na si Atty. Marco Bautista, 2nd nominee ng Turismo, ang grupo nila ay tiwala sa kakayanan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na panatilihin ang kaayusan at katahimikan para sa matagumpay na eleksyon partikular na sa mga malalayong munisipalidad.

Pangako ni Teo at Bautista na kakatawanin at isusulong ng TURISMO ang kapakanan at interes ng tourism workers, small entrepreneurs, at mga komunidad ng tourism destinations lalo ang mga nasalanta ng pandemya at iba pang kalamidad.

146

Related posts

Leave a Comment