UHC LAW ‘DI NARAMDAMAN NG PHILHEALTH MEMBERS

HINDI naramdaman ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Republic Act (RA) 11223 o “Universal Healthcare (UHC) Act” limang taon matapos itong ipatupad.

Halos ganito ang idinahilan ni Rep. Wilbert Lee, miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya naghain ito ng panukalang batas para amyendahan ang nasabing batas upang hindi mabaon sa utang ang mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa kanilang pamilya.

“Ilang taon na mula nang naisabatas ang Universal Healthcare Act pero nandyan pa rin ang matinding pangamba ng mga Pilipino sa pagkakasakit dahil sa takot na malubog sa utang at kahirapan dahil walang pambili ng gamot o pambayad sa ospital. Hindi ito deserve ng Pilipino,” ayon sa mambabatas.

Ilan umano sa mga balakid kung bakit hindi randam ng PhilHealth members ang nasabing batas ay dahil sa kawalan ng legal probisyon para sa regular na pagrerebyu sa package benefits na naaayon sa panahon.

Hindi rin umano maayos ang pamamahala sa pondo ng PhilHealth dahil mas marami ang hindi nagagamit gayung parami nang parami ang mga nangangailangan ng tulong sa pagbabayad ng hospital bills.

“Napakaraming pera ng PhilHealth, dapat ilaan ito di lang sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga Pilipino, kundi pati na rin sa pagpapababa ng kontribusyon na isa ring mabigat na pasanin ng marami nating kababayan,” ayon pa sa kongresista.

Samantala, binira ng isang dating mambabatas sa Kamara ang mga politikong sumasakay sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema laban sa paglilipat sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Nothing to appreciate from this epal move that is only belatedly made to deceive our people, especially the potential voters for the 2025 midterm elections,” ani dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite. (BERNARD TAGUINOD)

56

Related posts

Leave a Comment