Ni SAMANTHA MENDOZA
Mag-iisang buwan nang nakaratay at nasa kritikal pa rin na kalagayan ang isang 20 anyos na engineering student ng University of Santo Tomas (UST) , sa naganap na aksidente habang nakasakay sa isang Grab car noong Oktubre 26 sa Maynila.
Nalamn sa report ng Manila Police Traffic Bureau (MPTB),si Marko de Guzman ay nanatiling nasa kritikal na kondisyon sa Manila Doctor’s Hospital matapos ang nangyaring aksidente noong alas-4:00 ng madaling araw sa may Taft Avenue.
Hindi naman nasaktan ang Grab driver at kasamang kaibigan ni De Guzman pero malubha itong nasugatan ng ang nabangga nilang scaffolding ay bumagsak sa kotse at tumama sa kanyang ulo kung saan natutulog ang biktima noong oras na iyon.
Sanhi ng naturang insidente, sinabi ng pinsan ni Marko na si Steffi, nagtamo ito ng severe traumatic brain injury, kung saan hindi na rin ito, makapagsalita at nawala rin ang kanyang memorya kaya kahit ang ina nito ay hindi na niya makilala.
“He had to go through a very complicated brain surgery just to have a slim chance of survival… If he survives at all, he will have to face deficits because of the brain injury, including loss of all learning and comprehension, weakness in his limbs and spastic body movements na posibleng hindi na pwede i-therapy,” ayon pa kay Steffi.
Nalaman nang kausapin ng Nanay ni Marko ang Grab driver nalaman na inaantok na umano siya ng mangyayari ang insidente.
Ang driver ay nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries.
Umaabot na rin umano sa P3milyon ang hospital bills at posibleng umabot pa ito hanggang sa P6milyon.
106