VP SARA NANAWAGAN NG MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA NAIA

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte ng ‘mas mahigpit’ na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport matapos na di umano’y may isang miyembro ng media ang kumuha ng footage sa kanya at sa kanyang pamilya habang pasakay ng eroplano patungong Germany noong Hulyo.

Kinumpirma rin ng Office of the Vice President na ang kanyang biyahe ay “personal trip with her family overseas” at umapela sa publiko na igalang ang kanyang privacy.

Sinabi ni VP Sara na ang source ng video ay “a media person” na naka-assigned na mag-cover sa NAIA.

Lumaganap kasi sa social media ang larawan ni VP Sara kung saan paalis ito ng bansa kasama ang kanyang pamilya patungong Germany noong Hulyo.

Umani ito ng iba’t ibang negatibong reaksyon sa mga netizen dahil sa timing ng kanyang pag-alis kung saan naman nanalasa ang Habagat at bagyong Carina.

“Alam namin kung sino siya. We have footage na kumukuha siya ng cellphone footage,” ayon kay VP Sara.

Dahil dito, dapat na mas higpitan ng Manila International Airport Authority ang seguridad sa NAIA lalo pa’t ang media person na kumuha ng footage sa kanya ay hindi naman pasahero o airport staff.

“‘Yun ‘yung sinasabi ko. If you want to have a world-class airport, dapat world class din yung security natin. Hindi siya pasahero,” ayon kay VP Sara na hindi naman pinangalanan ang media person.

Ang pagkuha ng larawan at videos ay ipinagbabawal sa security areas at sa immigration counters ng NAIA subalit hindi sa public areas gaya ng boarding gates at passenger waiting areas. (CHRISTIAN DALE)

38

Related posts

Leave a Comment