WALANG ABISO SA PAGKAWALA NG SUPPLY: MANILA WATER KINONDENA

water12

(CONTRIBUTED PHOTO BY ARIEL JOQUICO)

KALIWA’T kanang pambabatikos ang tinatanggap ng Manila Water matapos nitong putulin ang supply ng tubig nang walang abiso sa anim na Metro Manila City at pitong bayan sa Rizal province mula Huwebes hanggang Biyernes.

Hanggang Sabado ng hatinggabi ay nakapila ang napakahabang residente ng Mandaluyong na mga nabigla sa ‘sorpresang’ pagkawala ng supply ng tubig.

Nagkatarantahan ang mga apektadong residente at hindi malaman kung saan kukuha , partikular ng malinis na tubig , para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa Mandaluyong, bandang alas-5:00 ng hapon nang mawalan ng supply ng tubig ang mga residente sa Barangay Barangka Itaas.

“Perwisyo talaga, ni walang abiso as in nagkagulatan talaga. Ano gusto palabasin ng Manila Water? Malayo pa ang Mahal na Araw pero tripleng pasakit na agad ang pinasampol sa amin,” sabi ng naghihimutok na residente.

Kabilang sa apektadong lugar ang siyudad ng Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig, Mandaluyong at San Juan. Ang mga lugar na ito ay walang supply ng tubig mula pa noong Huwebes ng umaga, Marso 7.

Apektado rin ang Antipolo, Angono, Binangonan, San Mateo, Rodriguez, Taytay at Jalajala sa Rizal.

Walang pormal na inisyu ang Manila Water sa mga apektadong barangay. Ang tanging online advisory nila ay walang nakalagay kung kailan at anong oras mawawalan ng tubig.

Ang tanging nakalagay lang ay “2019 El Niño water supply contingency plan”  ay ipatutupad sa ‘peak demand hours’.

“In light of PAGASA’s recent El Niño advisory and its threat to Metro Manila’s domestic water supply, Manila Water will be implementing operational adjustments that may affect water service across the entire East Zone. This is to help arrest the rapid decline of the water level at La Mesa Dam, due to limited inflows from rainfall,” ayon sa advisory.

  AMINADO

Inamin ng Manila Water ang palpak nilang trabaho at humingi na ng paumanhin sa consumers. Sinabi ni Dittie Galang, Communications Manager ng Manila Water,  na hindi nila inaasahan ang pagtaas ng demand bago mawalan ng tubig.

Inamin din nito na ang plano nila noong nakalipas na buwan ay nagbago sa hindi malamang dahilan.

Patuloy na binobomba ng hate messages ang Manila Water dahil sa kapalpakan at kapabayaan.

 

 

 

203

Related posts

Leave a Comment