(Ni FRANCIS ATALIA)
NANATILING nakataas ang full alert status sa Metro Manila kahit na walang namomonitor ang National Capital Region Police Office ng banta ng pambobomba matapos ang nangyari sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng marami.
Ayon kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya upang mapanatiling ligtas ang publiko.
Hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na agad na isumbong sa otoridad ang anumang bagay o indibidwal na kahina-hinala dahil kung agad na naipaalam ang kahon na iniwan sa mall sa Cotabato City ay maiiwasan umano ang disgrasya.
Paliwanag pa niya, walang problema kahit na “false alarm” ang naire-report minsan sa NCRPO kaysa naman magkaroon ng disgrasya dahil sa hindi agad nakapagsumbong ang publiko.
134