(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)
WALA umanong sinuman ang binigyan ng permiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para magsagawa ng reklamasyon sa Manila Bay.
Ito ang tiniyak ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu dahil ang kautusan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang lahat para maibalik ang ganda ng Manila Bay at ipinatutupad lamang ang mandamus order ng Supreme Court (SC) na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.
Gayunman, ibinulgar ni Cimatu na inatasan ni Duterte ang NEDA na magsagawa ng pag aaral sa bubuing Manila Bay Development Commission,kasama ang iba pang dayuhan gobyerno sa kung anong mainam na gagawin sa Manila Bay.
Samantala, sinabi ni Cimatu, na hindi lamang sa Maynila tututok ang rehabilitasyon ng Manila Bay kasama kundi maging ang mga bulibundukin na lugar sa Rizal Bulacan at sa katimugang bahagi ng Luzon ay aatasan na makibahagi rin sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
384