WANTED SA RECKLESS IMPRUDENCE NABITAG

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “John-John”, residente ng Navotas City.

Ayon sa ulat ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District, bandang alas-5:40 ng hapon nang madakip ang suspek sa nabanggit na lugar.

Natunton ang kinaroroonan ng suspek ayon sa tip ng isang mapagkakatiwalaang impormante.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Sharwin Peter Polayan, ng Regional Trial Court ng Manila.

Gayunman, maaaring maglagak ang suspek ng piyansang P60,000 para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment