WATER INTERRUPTION MAS MAHABA NGAYON

tubig12

(NI DAHLIA S. ANIN)

PATULOY pa ring mararanasan ng publiko ang kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa pinakabagong schedule ng water interruption na inilabas ng Maynilad Water Services. Tatagal ng mahigit pa sa 16 na oras na mawawalan ng tubig ang kanilang nasasakupan sa Metro Manila.

Ayon sa Facebook post ng Maynilad Water Services Inc., nais nilang pagkasyahin ang distribusyon ng tubig sa lahat ng kanilang customer, kaya nagpatupad sila ng bagong rotational water interruption sa Hulyo 15.

Sa Las Piñas, sa Brgy. Almanza Dos 12 a.m.- 7 p.m., 6am-1am naman sa Brgy. Almanza Uno, 6 a.m.- 9 p.m. naman sa Brgy  Pamplona uno, Pamplona Dos at Pamplona Tres.

Sa Muntinlupa City naman, makakaranas ng 7 hanggang 19 na oras na walang tubig ang mga barangay na sakop ng Maynilad.

Labing tatlo hanggang 18-oras naman ang water interruption sa mga barangay na sakop ng Maynilad sa Maynila.

Ang mga barangay naman sa Caloocan na sinusuplayan ng tubig ng Maynilad ay makararanas ng lima hanggang 16-oras ng kawalan ng tubig.

Pito hanggang 19-oras naman sa mga kustomer ng Maynilad sa Quezon City.

Magin sa mga taga Pasay ay 13 hanggang 16 na oras din ang water interruption sa kanilang lugar.

Nanawagan ang Maynilad sa kanilang mga kustomer na mag-ipon ng tubig hanggat may suplay. At patuluin muna ng tubig ng ilang segundo hanggang sa maging malinaw ito bago sahurin ang tubig sa gripo.

Humihingi rin sila ng pasensya sa kanilang mga kustomer na labis na apektado ng nagaganap na water service interruption at patuloy nitong hinihingi ang pang unawa sa kasalukuyang sitwasyon.

Patuloy nilang imomonitor ang lebel ng tubig sa mga dam, at iuupdate ang kanilang mga kustomer sa mga pagbabagong magaganap sa schedule ng water interruption.

 

135

Related posts

Leave a Comment