(NI ABBY MENDOZA)
MAKARARANAS ng water interruptions sa mga susunod na araw dala na rin ng mababa pa ring water level sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, kailangan bantayan at tipirin nang mabuti ang antas ng tubig sa Angat Dam upang matiyak na magkasya ito sa summer season hanggang sa pumasok muli ang panahon ng tag-ulan.
Sa huling monitoring ay nasa 204.05 ang antas ng tubig sa Angat Dam, mababa sa normal level na 212 meters.
Dahil sa mataas na demand at kapos na supply ay magpapatupad pa rin ng water interruptions ang water concessionaires.
“Dahil po sa nasa 204 meters pa lang po ang lebel ng tubig sa Angat Dam, posible pong mababang serbisyo ang asahan o may mga rotational water interruption na mangyari,” paliwanag ni David.
Iniiwasan po natin na masagad ang mga tubig sa mga dam kaya hindi pa natin maibalik sa normal ang serbisyo ng tubig,” dagdag pa nito.
Sa ngayon ay atuloy ang paghahanda ng NWRB para matiyak na may pagkukunan ng supply ng tubig lalo na pagpasok ng summer season, ani David, naka-standby ang kanilang mga cloud seeding operation gayundin ay inihahanda ang mga deep well kung sakaling kailanganin.
297