PINAYUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga magtitinda ngayong Undas na gawin ito bago isara ang mga sementeryo sa Metro Manila.
Ang pahayag ng MMDA ay matapos magkasundo ang Metro Manila Mayors sa pagpapasara ng mga sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay MMDA General Manager at Metro Manila Council (MMC) Spokespersons Jojo Garcia, pahihintulutan pa rin ang magtinda ng mga bulaklak at kandila sa labas ng mga sementeryo.
Aniya, ang nais ng MMC ay masunod pa rin ang health protocols laban sa COVID-19.
Kaya lang aniya, bago ang October 29, 2020 ay dapat wala nang magtitinda sa labas ng mga sementeryo dahil isasara na ito sa publiko.
Mas mainam aniya ito dahil mas maraming araw na silang maaaring magtinda.
Magpapatupad naman aniya ang mga Local Government Unit (LGU) ng Metro Manila ng mga panuntunan upang matiyak na hindi ito magiging sanhi ng pagkalat o magkahawaan ng virus.
Kaugnay naman sa lalabas at babalik ng Metro Manila, susundin pa rin ang kasalukuyang ruling ng pagbibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng quarantine status. (DAVE MEDINA)
140
