DIGOS City – Hindi nakalusot ang isang ginang na nagtangkang magpuslit ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng selda ng Digos City Police Station (DCPS), nang mahuli ng duty guard, alas-12:40 ng tanghali noong Martes, Setyembre 22.
Kinilala Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng DCPS, ang suspek na si Rosemarie Labajo, 47, may asawa, vendor at residente sa Purok Gemelina, Brgy. San Miguel nitong lungsod.
Sinabi ni Tababa, isa sa istriktong polisiya na kanilang ipinatutupad ay ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng mga gamit na ipapasok sa selda ng mga bilanggo.
Isang Person Deprived of Liberty (PDL) na kinilala lamang na si alyas Aldemer, ang dadalawin ni Labajo upang dalhan ng food packs.
Ang nadiskubreng ilegal na droga ay natagpuan sa loob ng food packs.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DONDON DINOY)
131
