(NI NOEL ABUEL)
NASAAN na ang 1.7 bilyong puno?
Ito ang hinahanap ni Senate Pre Tempore Ralph Recto sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan ang 1.7 bilyon na puno ay nakatanim sa dalawang milyong ektaryang lupain na pinondohan ng P39 bilyong tree planting program ng nasabing ahensya.
Giit nito, malaki ang dapat ipaliwanag ng DENR lalo na at sa panukala nitong budget para sa susunod na taon para sa National Greening Program ay dodoblehin ito mula sa kasalukuyang pondo.
“Sa ilalim ng proposed 2020 national budget, dodoblehin ang budget for tree planting – mula sa kasalukuyang P2.6 billion to P5.15 billion. The DENR’s National Greening Program is one of the very few programs that will be gifted with almost a 100% budget increase,” aniya.
Sinabi ni Recto na dapat linawin muna ng DENR ang nasabing usapin bago aprubahan ng Senado ang hiling nitong budget sa 2020.
“Out of this money, the NGP should have planted 1.807 billion trees in 2.141 million hectares of land over the past 9 years ending this December. Dahil hindi pa tapos ang 2019, tingnan na lang natin ang planting scoreboard from 2011 to 2018: 1.669 billion of trees planted in 1.998 million hectares of land,” sabi nito.
Ang 1.998 milyon, o 2 milyong ektarya ng land reforested ay nagpapakita ng 1 sa bawat 15 ektarya ng kabuuang land area sa bansa.
Ang 2 milyong ektarya ay halos 32 beses na malaki sa lupa ng Metro Manila o apat na beses katumbas ng Cebu island.
“After counting the number of trees planted, it is time for the DENR to show us the forest. The carpet of green from sea to shining sea. Ilabas na ang NGP map. The proof of the planting is in the photos. Ipakita sa aerial maps, before and after photos, ang resulta ng isang P38.9 billion project,” dagdag pa ni Recto.
171