10 KASO NG VOTE BUYING INIHAIN NA SA COMELEC

votebuying12

(NI DAHLIA ANIN)

ILANG araw na lang bago ang midterm election ay may nakahain na umanong 10 kaso ng vote buying sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Director John Rex Laudiangco, head ng Anti Vote Buying Task Force ng Comelec. Nakikipag-ugnayan na ang poll body sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DoJ) upang madetermina ang bilang ng mga naisampang reklamo sa Prosecutor’s Office.

Sinabi naman ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica, inaayos na sa kanyang opisina ang 15 report na kanilang natanggap na posibleng mai-file na sa Comelec.

Nakatanggap na din umano ang opisina ni Belgica ng mga kaso ng vote-buying na nangyayari umano sa Pasay, Maynila, Muntinlupa, Misamis Occidental.

Sa Santiago City sa Isabela ay may mga report din na ginagamit umano ang mga government vehicle sa pangangampanya.

Nitong Linggo lang ay inilunsad ng Comelec ang isang task force na siyang mag-iimbestiga ng mga kaso ng vote buying na ayon pa kay Laudiangco ay isa sa mga pinaka ‘challenging’ na election offense.

Ang vote buying ay may parusa na isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo, disqualification sa public office at pagkawala ng karapatan sa pagboto.

268

Related posts

Leave a Comment