10-M OFWs PINASALAMATAN SA SENADO

china ofws12

(NI NOEL ABUEL)

KASABAY ng pagdiriwang ng International Migrants Day ay dapat na purihin at pasalamatan ang 10 milyong overseas Filipino  workers (OFWs) na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, marami ang dapat na ipagpasalamat ng gobyerno sa OFWs dahil sa malaking pondong idinaragdag nito sa kaban ng bansa.

“Sa maraming bahagi ng mundo, preferred ang manggagawang Pilipino sa husay at sipag. At salamat sa kanila, meron nang US$27.6 billion remittances sa unang 10 buwan ng taon. Kabilang ito sa nagbibigay ng stability sa ating local economy,” paliwanag ng senador.

At ngayong panahon ng Kapaskuhan ay dapat na bigyan ng papuri at pasasalamat ang mga uuwing OFWs.

“Marami sa ating mga kababayan abroad ang umuuwi tuwing kapaskuhan. Dahil walang kasing sarap ang mabuhay sa sariling bayan. Saan merong palakpakan paglapag ng eroplano? Sa Pilipinas lang, dahil sabik na sabik ang ating mga kababayang umuwi at makapiling muli ang lupang tinubuan at ang mga mahal sa buhay,” sabi pa ng senador.

Dapat aniyang suklian ang pangungulila ng mga OFWs sa kanilang mahal sa buhay para hindi na kailangang iwan ang pamilya para lang kumita nang sapat para sa kanilang kinabukasan,” dagdag pa nito.

 

189

Related posts

Leave a Comment