10 TAON NG MAGUINDANAO MASSACRE: DAGDAG PROTEKSYON SA MEDIA IGINIIT

(NI ABBY MENDOZA)

IGINIIT ng Commission on Human Rights na sobrang tagal na paghihintay na ang 10 taon para makamit ang hustisya sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, apela nito, desisyunan na ang kaso at panagutin ang mga nasa likod nito.

Ayon kay CHR Spokeperson Jacqueline de Guia ang  kaso ng Maguindanao massacre ay isang halimbawa ng mabagal na paggulong ng hustisya sa bansa, ang 10 taong lumipas na walang naparusahan sa kabila ng 58 katao ang nasawi ay patunay na may failure sa justice system ng bansa.

“The Maguindanao massacre is a resounding evidence of how the State fails to safeguard the right to life, the right to freedom of expression, and the right to information of its people.Ten years without punishment for any of the perpetrators clearly indicates the failure of our justice system to deliver and function effectively,” ayon kay de Guia.

Ang kabagalan umano ng paglilitis sa kaso ay lalong nagpapahirap sa mga kaanak ng mga nasawi kaya umaasa ang CHR na ipalabas na ng korte ang desisyon sa kaso.

Matatandaan na ngayong buwan sana ipalalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang desisyon sa kaso subalit umapela si Judge Jocelyn Solis-Reyes sa Korte Suprema na mabigyan pa ito ng 1 buwang extension dahil na rin sa dami ng record na umano na sa 238 volumes.

Pinagbigyan ng SC ang hiling ni Reyes at itinakda sa Disyembre 30 ang pagpapalabas ng desisyon sa kaso.

 

236

Related posts

Leave a Comment