101 MAYOR, 99 BRGY CHIEF PINADALHAN NG SHOW CAUSE ORDER

(NI AMIHAN SABILLO)

UMAABOT sa 101 mayor sa buong bansa ang pinadalhan na ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa non-compliance rating hinggil sa road clearing operations na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naglabas din ng show cause order ang DILG sa 99 barangay chairman sa Metro Manila dahil sa low compliance rating o hindi pumasa sa isinagawang assessment ng ahensiya hinggil sa road clearing operations

Ito ang inihayag ni DILG Spokesperson USEC Jonathan Malaya, na aniya, tumaas pa ang bilang ng mga LGUs na non-compliant sa direktiba ng Pangulo.

Sa unang datos na inilabas ng DILG, nasa 97 LGUs ang non-performing pero sa ngayon pumalo na ito sa 101, matapos magsumite ng mga bagong dokumento.

Tiniyak naman ni Malaya na bibigyan pa rin ng due process ang mga alkalde at ang mga barangay chairman sa limang araw na palugit ng DILG sa mga nasabing LGU para ipaliwanag ng mga alkalde at barangay chairmen kung bakit hindi a nagawa ang ipinag-utos ng Pangulo.

Kapag hindi maayos at katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga opisyal, irerekomenda ng DILG ang suspension at mahaharap pa sa kasong administratibo.

171

Related posts

Leave a Comment