102 PINOY SA SINGAPORE, GUMALING SA COVID-19

NAKAREKOBER na mula sa COVID-19 ang tinatayang 102 Filipino sa Singapore.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap, na 102 mula sa 150 Filipino sa nasabing bansa ang gumaling at nakalabas na ng ospital.

Tanging 48 na lamang aniya na mga kababayan natin ang nananatili at patuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan o isolation areas sa naturang bansa.

Aniya pa, simula noong June 2 ay inalis na ng pamahalaan ng Singapore ang istriktong lockdown implementation at ngayong araw, ipinatupad na aniya ang mas relax o mas maluwag na sitwasyon doon. CHRISTIAN DALE

91

Related posts

Leave a Comment