102 QCPD, NCRPO PERSONNEL ISINALANG SA COVID TEST

ISINAILALIM sa swab test sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas at Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. RonnieMontejo at iba pang NCRPO key officers, sa COVID-19 noong Mayo 30 sa QCPD Grandstand, Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City.

Bukod kina sina P/MGen. Sinas at P/BGen. Montejo, ang miyembro ng NCRPO Command Group, district directors ng limang police districts, station commanders at iba pang mga pulis ay kinunan din ng swab samples.

Ang nasabing samples ay dinala sa Red Cross para sa Real Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Sinabi ni P/BGen. Montejo, ang swab test y isinagawa sa tulong ng Regional Health Service (RHS), sa ilalim ng pamumuno nina P/Col. Marissa Soriano at P/Lt. Col. Beverly De Guzman, chief ng Medical Dispensary, at QCPD Health Service, sa pamumuno ni P/MAJ Josephine Nandu.

Umabot sa 102 ang kabuuang bilang ng mga sumailalin sa naturang swab test.

Ayon pa kay P/BGen. Montejo, ang kanilang isinagawang swab test ay bahagi ng preventive measures upang matiyak na ang kanilang personnel ay ‘free’ mula sa COVID-19 virus. (JOEL O. AMONGO)

86

Related posts

Leave a Comment