105 ARAW NA MATERNITY LEAVE PIRMA NA LANG NI DU30 ANG KULANG

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging batas ang “105 days

Expanded Maternity Leave law” matapos ratipikahan ito ng Kamara sa ikalawang pagkakataon ang bicameral conference committee report ng nasabing panukala.

Unang niratipikahan ang nasabing panukala noong Oktubre 3, 2018 subalit binawi ito matapos tutulan ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ang tax exemption at appropriation provisions ng nasabing panukala.

Muling pinag-aralan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala at nagkasundo na alisin ang mga tinutulang probisyon ng Executive department.

Gayunpaman, mananatili ang 105 days maternity leave ng mga manganganak na empleyado, hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor na mayroong bayad.

Layon ng nasabing panukala na mabigyan ng mga ina ng sapat na atensyon at mas mahabang panahon ang kanilang bagong silang na anak.

May opsyon din ang mga beneficiaries na palawigin pa ng 30 araw ang kanilang maternity leave, subalit hindi na ito kasama sa babayaran ng kanilang ahensya o kumpanyang papasukan.

Magkakaroon din ng dagdag na 15 days leave ang mga solo parents na babayaran sila ng buo.

6

Related posts

Leave a Comment