SA mahigit 90 milyon na botante para sa BSKE, tinatayang nasa 11.6 milyon ang senior citizens na kasamang dadagsa sa mga voting precinct sa bansa ngayon.
Ayon kay Atty. Franklin Quijano, chairman ng National Commission for Senior Citizens, masasabing malaking bilang mula sa hanay ng seniors ang makikiisa sa idaraos na BSKE 2023.
Kaugnay nito ay nagpapasalamat si Quijano dahil tinupad ng Commission on Elections (Comelec) ang pangako na maglaan ng special polling precincts para sa mga senior citizen para sa mas magaan o maginhawa nilang pagboto at ang pagbibigay daan sa kanila sa mas maagang oras ng pagboto.
Umaasa rin si Quijano na patuloy na tutugunan ng Comelec ang iba pa nilang mga hiling tulad ng electronic voting upang ang mga nakatatanda na hindi na makalakad o nasa malalayong lugar ay makaboto pa rin.
Nabatid na nasa 91,094,822 botante ang inaasahang boboto sa 672,016 pwesto na pinaglalabanan para sa susunod na mga bagong barangay officials.
(JESSE KABEL RUIZ)
183