12 OPISYAL NG NHA KAKASUHAN SA PALPAK NA YOLANDA HOUSING

(NI ABBY MENDOZA)

INIREKOMENDA ng  Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman na kasuhan ng kriminal at administratibo ang 12 opisyal ng National Housing Authority (NHA) dahil sa mga anomalya sa Yolanda Housing.

Hindi pa tinukoy ng PACC ang mga opisyal sa katwirang bahagi ito ng due process dahil hindi pa nakapagsasagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman.

Gayunman, sinabi nitong ang mga opisyal ay pawang kabilang sa Bids and Awards Committee ng NHA-Eastern Visayas na nilabag ang Section 8, Rule VI ng  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Government Procurement Act; at Anti-Graft and Corruption Practices Act.”

Ang rekomendasyon ng PACC ay kasunod na rin ng isinagawa nitong anim na buwang imbestigasyon.

Sinabi ni PACC chair Dante Jimenez na ipinaalam din nila sa Malacanang ang naging resulta ng kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Jimenez ang kontruksyon ng 2500 bahay sa apat na munisipalidad sa Eastern Samar ay ibinigay lamang sa iisang kontraktor na JC Tayag Builders, dalawang taon matapos maibigay sa kontraktor ang notice to proceed at bayaran ito ng inisyal na P111 milyon ay nasa 36 bahay pa lamang ang kanilang naitatayo.

“PACC Investigation Service found prima facie evidence that the officials gave unwarranted benefits, advantage, and preference to a lone contractor  which was found to have “fraudulently misrepresented its technical capacity into entering contracts with the government”ayon sa PACC.

“Itong ipa-file namin ngayon is regarding only one province, Eastern Samar in which the government allocated almost P800 million,” paliwanag ni Jimenez.

Umaasa si Jimenez na bibigyang pansin ng Ombudsman ang nagin resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon.

Nobyembre 8,2013 nang tumama ang bagyong Yolanda kung saan may 6,000 katao ang nasawi at bilyon bilyong piso ng ari arian at infrastracture ang nasira.

 

454

Related posts

Leave a Comment