12 PINOY SEAMAN NA NAKADETINE SA TEHRAN MINOMONITOR

DAF12

(NI ROSE PULGAR)

MINOMONITOR ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Tehran dahil sa napaulat na pagkakadetine ng 12 Pilipinong crew members ng ‘Al Buraq 1’ (IMO 7318975), isang offshore supply ship na pinigil at kinumpiska ng Iran dahil sa umano’y pagpupuslit ng langis nitong Setyembre 7.

Ito ang iniulat ng Embahada ng Pilipinas na nabigyan ng permiso na bumista sa mga nakakulong na Pinoy seaman.

“The 12 Filipino seafarers are in good spirits and are being treated well while under detention,” ayon sa DFA.

Nabatid na si Ambassador to Iran Wilfredo Santos, kasama ang ibang opisyal ng Embahada, ang bumiyahe mula Tehran patungong Hormozgan Province malapit sa Persian Gulf, upang personal na makita ang crew at tingnan ang kanilang kondisyon.

Ginagawa na ng Embahada ang lahat ng hakbang upang mapalaya ang mga seaman at magsasagawa ng kaukulang representasyon sa Iranian government upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

143

Related posts

Leave a Comment