121 POLICE TRACKER TEAMS, HANDA NA VS GCTA CONVICTS

(NI NICK ECHEVARRIA)

HANDA na para sa kanilang deployment nationwide ang121 tracker teams na binuo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na siyang tutugis sa mga convicts na maagang napalaya alinsunod sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Deputy Director P/BGen. Bernabe Balba, bubuuin aniya ng limang personnel ang bawat tracker team na ikakalat sa buong bansa matapos ang 15-araw ultimatum na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa boluntaryong pagsuko ng mga  nabanggit na preso.

Sinabi ni Balba na bumuo na sila ng mga tracker teams  sa bawat regional, provincial at city office ng CIDG, kasunod ang pahayag na mayroon ng 47 mga convicts ang sumuko mismo sa mga regional offices ng CIDG na na-iturnover na nila sa Bureau of Corrections at mayroon na rin silang opisyal na listahan ng mga pinalayang convicts mula sa Bucor.

Samantala, umaabot sa 252 mga convicts sa kabuuang 431 na mga sumuko  sa magkakaibang police stations sa bansa ang nasa kustodiya na ng Bucor hanggang nitong linggo ng alas-6:00 ng umaga, ayon kay PNP spokesperson P/BGen. Bernard Banac.

Sa mga sumukong convicts 138 ang mga may kasong murder, 130 naman ang kaso ng rape, 42 ang robbery with homicide, 28 ang homicide, 14 ang rape with homicide, 9 ang  robbery with rape, 18 sa Dangerous Drugs at 8 ang kaso ng Parricide.

Nauna rito inatasan ng PNP si National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/MGen. Guillermo Eleazar, makipag-ugnayan sa Bucor para sa kumpletong listahan ng mga napalayang convicts sa ilalim ng GCTA.

Nakatakdang  ideploy ang mga binuong mg police tracker teams-nationwide sa September 19 para simulan ang manhunt operations sa mga convict na mabibigong sumuko sa 15 araw na ultimatum ng Presidente.

 

165

Related posts

Leave a Comment